ACAS >> GenerAsians Together >> Tagalog

Tagalog


SINO KAMI

Ang Generasians Together ay isang grupong binubuo ng mga: bakla, tibo, lesbyana, baysekswal, silahis, transgendered, ang kanilang mga magulang, pamilya, at kamaganakan, at mga kaibigang mula sa Asya, mga Pilipino, Intsik, Vyetnamis, Koreyano at Hapon.

back to top


AMING ADHIKA SINO KAMI

Kami ay naghahangad at gumagawa ng paraan upang magkaroon ng masaya at maayos na samahan ang mga bakla, tibo, lesbyana, baysekswal at transgendered at ang kanilang mga magulang pamilya at mga kaibigan.

back to top


AMING GAWAIN

back to top


PAANONG MAKAKASALI

back to top


AMING MGA AKTIBIDAD

Tumawag sa (416) 963-4300 ext. 55, kung meron kayong tanong o gustong malaman.

back to top


SINASABI NG A MING MGA KASAPI

"Ang nakatulong ng malaki sa akin ay ang pagkakakilala ko sa ibang kabataang Asyano. Naibahagi ko ang mga bagay na naiintindihan nila, gaya ng pangangalaga sa malinis na pangalan, o kung paano ko isasama ang aking girlfriend sa amin kung may okasyon."

Chi, isang kabataang lesbyanang Vyetnamis

"Parang takot akong pumunta sa miting dahil hindi ko alam kung anong mangyayari. Nang magpunta ako sa isang barbekyu ng Generasians Together, at nagkaron ako ng pagkakataong maunawaan, at tanggapin, ang aking anak na lesbyana. Akala ko noon ako ay nagiisa."

Beng Gutierrez, inang Pilipina

"Hindi alam ng mga magulang ko na ako'y bakla. Natuwa akong makakita ng mga magulang na tanggap ang kanilang mga anak na gay."

Lit-Kuen Cheng, isang Intsik na bakla

back to top


ANG AMING PINAMULAN

Noong 1998, nang magipon-ipon sa isang komperensya ang mga Asyanong lesbyana, bakla, baysekswal at transgendered, mga kabataan, at maging mga magulang nila ay naglahad ng kanilang naramdamang hirap at pagiisa. Nakita namin ang malaking pangangailangan na ang ating komunidad ay magkaroon ng katugunan sa pangangailangan ng mga kabataang bakla, lesbyana, baysekswal at transgendered, ang kanilang mga magulang, kamaganakan at mga kaibigan. Nagkaroon ng isang komite upang makapagplano ng mga programang maayos at nasa sariling wika.

GenerAsians Together ay isang proyekto ng Lingkod ng Pamayanang Asyano sa AIDS.

Ang Lingkod ng Pamayanang Asyano sa AIDS ay naghahandog ng edukasyon at iba pang mga programang tungkol sa HIV/AIDS para sa mga taga Asya.

Kung nais magtanong o magkaroon ng impormasyon tungkol sa HIV/AIDS, STDs pagiwas dito at kalusugang sekswal, counselling at iba pa, tumawag lamang sa ACAS: (416) 963-4300


back to top

©Copyright 2000 Asian Community AIDS Services

SINO KAMI

AMING ADHIKA SINO KAMI

AMING GAWAIN

PAANOG MAKAKASALI

AMINF MGA AKRIBIDAD

SINASABI NG A MING MGA KASAPI

ANG AMING PINAMULAN