![]() |
![]() |
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
||||
| |
|||||||
| |
||||||||||
| Resources | ACAS: | |||||||||
Maligayang pagdating sa inyong pagbisita sa website ng Asian Community AIDS Services (ACAS). Bagamat ang kabuuan ng website na ito ay nasa Ingles lamang, naglilingkod kami sa wika ng mga taga Silangan at Timog-Silangang Asya. Narito ang paglalarawan ng aming samahan at mga paglilingkod na aming ipinagkakaloob. Ang aming misyon: Ang Lingkod ng Pamayanang Asyano sa AIDS (ACAS) ay isang samahang pangkawang-gawa na nakabatay sa pamayanan. Kami ay nagbibigay ng mga impormasyong pang-edukasyon tungkol sa HIV/AIDS, pag-iwas at mga programang tumutulong sa mga taga Silangan at Timog-Silangang pamayanang Asyano sa Canada. Ang mga programa ay nakabatay sa malawak na pagtalima sa HIV/AIDS at isinasagawa sa paraang may pagkakasunduan, pakikipagtulungan at pagpapalakasan ng bawat isa at sa pamaraang walang pamimili. Ang aming mga serbisyo: • MSM Program – ang programang ito ay naglalayong pigilin ang pagkalat ng HIV/AIDS sa mga Asyanong lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ito ay natatamo sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga ligtas na paraan ng pakikipagtalik, pangangaral sa mga mapanganib na kagawian at maagang pagtulong sa paraang nababagay sa kani-kaniyang kultura. Ang mga gawaing kasama dito ay ang palagiang paghayong sa mga bath house, bars, mga liwasan at sa mga internet chat room; pagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa HIV/AIDS at pamimigay ng mga condom sa mga pangyayari sa pamayanan; mga pag-aaral na pang-edukasyon, pagsasanay, pangangampanya sa media; mga payo tungkol sa bago at matapos magpasuri sa HIV. Kung interesado ka na matuto o nais mong magkusang-loob sa programang ito, magpadala ka ng email sa amin at makikipag-alam ang aming empleyado sa iyo. • Pag-alalay na Programa - Ang programang ito ng ACAS ay nagkakaloob ng mga lihim na praktikal at madamdaming pag-alalay sa mga Asyanong may HIV/AIDS sa wikang Ingles, Intsik, Tagalog at Vietnamese. Ipinagkakaloob din ito sa kanilang mga mahal sa buhay, pamilya at mga kaibigan. Kasama sa aming paglilingkod ang pagpapayo, pagbibigay tulong sa ibang ahensya, pangangasiwa sa mga kaso tungkol sa pagkuha ng mga tulong na pang-sosyal, mga paglilingkod sa pangungulila, pagdalaw sa mga tahanan, pangkaibigang pag-alalay, mga tagapagsalin sa mga Asyanong wika, mga aklatang may mga publikasyon sa wikang Asyano, mga brochure na may mga kaalaman, mga fact-sheets sa paggamot ng HIV/AIDS, nutrisyon, pag-alalay sa pamilya, pamamahay at mga kalagayan sa pangingibang bayan. Kung interesado ka na matuto o nais mong magkusang-loob sa programang ito, magpadala ka ng email sa amin at makikipag-alam ang aming empleyado sa iyo. • Pang-edukasyon at Paghayong Programa Para sa mga Kababaihan - Sa tulong ng pagkakaroon ng mga lingkod na nababagay sa kultura at wika, ang programang ito na para sa mga kababaihan ay tumatalakay sa mga sagabal na kinakaharap ng mga Asyanong kababaihan tungkol sa pagkuha ng mga sekswal na serbisyo upang maiwasan ang mga HIV/STI. Layunin ng programang ito na mapabuti ang kalusugang sekswal at ligtas na mga kagawian sa pakikipagtalik. Layunin din nito na tugunan ang mga bagay na pang-sosyal at kalagayan ng kabuhayan na umaapekto sa mga mapanganib na kalusugan ng mga Asyanong kababaihan tulad ng diskriminasyon, kawalan ng pera, pamamaliit ng lahi, pagiging babae, karahasan, homophobia, katandaan, kakayahan, at pagkatakot sa AIDS. Nagbibigay kami ng mga paghayon at pagtulong sa ibang ahensya, lihim na payo tungkol sa HIV/AIDS, mga pag-aaral na kasalukuyang umiiral at mga bagong samahan na nasa wikang Silangan at Timog-Silangang Asyano. Ang aming mga pag-aaral ay tumatalakay sa pag-iwas sa HIV/AIDS at STI, pagpapalaki ng mga batang may malusog na seksualidad, kalusugan at seksualidad ng mga kababaihan, paglaban sa homophobia, at mga suliranin ng mga transgender/transsexual. Ang mga samahan sa pamayanan na gustong humingi ng tulong sa amin upang magsaayos ng mga pag-aaral para sa kababaihan ay mangyari lamang na makipag-alam kay Jin Huh, ang tagapangasiwa sa programang ito. Ang lingkod na ito ay walang bayad. Kung interesado ka na matuto o nais mong magkusang-loob sa programang ito, magpadala ka ng email sa amin at makikipag-alam ang aming empleyado sa iyo. • Programa Para sa mga Kabataan - Ang programang ito ay naglalayong maiwasan ang pagkalat ng HIV/AIDS at mga Sexually Transmitted Infections doon sa mga Silangan at Timog-Silangang kabataan sa Toronto. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng mga libreng pag-aaral tungkol sa HIV/AIDS at mga nauugnay na suliranin ng mga kabataan, paghayon sa iba’t-ibang lugar sa pamayanan, pangangaral sa mga magkakaidad, payo at pagtulong sa ibang ahensya. Kami rin ang nagpapalakad ng programang Queer Asian Youth (QAY) na nagbibigay ng maalalay na lugar na sosyal at mga pamayanan sa internet para doon sa mga hindi sigurado sa kanilang sekswalidad, mga lesbiana, bisexual, bakla, transsexual, transgender at queer na mga kabataang taga Silangan at Timog-Silangang Asya at ang kanilang mga kaibigan. Kung interesado ka na matuto o nais mong magkusang-loob sa programang ito, magpadala ka ng email sa amin at makikipag-alam ang aming empleyado sa iyo. • Programa Para sa Paglilingkod ng Kusang-Loob - Ang ACAS ay nakasalalay sa mga naglilingkod ng kusang-loob para sa paghahanda, pagpapayo, at pagpapatupad sa mga programa at serbisyo sa pamayanan. Ang mga nag-kukusang-loob ay tumutulong sa paglikom ng pera, pangngasiwa sa opisina, magsagawa ng paghahayon at mga gawaing may matututunan nang harapan o pagsasaliksik sa internet, magbigay ng mga praktikal at madamdaming pag-alalay sa mga taong may HIV/AIDS (PHAs). Tumutulong din sila na magsaayos ng mga espesyal na pangyayari, magsalin sa ibang wika ng mga dokumento, bumuo at magdisenyo ng website, sumapi sa mga committee, at marami pang iba. Binibigyan namin ang mga nagkukusang-loob ng mga pangunahing pagsasanay sa kakayahan (ibinibigay ng dalawang beses sa isang taon sa spring at sa fall), gayundin ang tuluyang pagkakataong matuto sa buong taon. Kung interesado ka na magkusang-loob sa amin, makipag-alam lamang sa aming volunteer program coordinator. Narito ang mayroon kami sa Tagalog sa aming website: Mga Impormasyon sa Paggamot Mga materyales sa Paghahayong MSM Kampanya noong 2003 sa apat na cards: i-click para makita: 2001 Kailangan ko bang magpasuri
sa HIV?
|
||||||||||
| Special Projects | ||||||||||
![]() |
||||||||||
| |
||||||||||